Lunes, Mayo 22, 2017

BITCOINS ba? Ano ba ito?

     Hi guys .. its me again.. alam nyo ba ang cryptocurrency? Eh ang COIN.PH alam nyo din ba.. lately ko lang nalaman yan nitong bandang February 2017. Nang minsan napadpad ako sa site na yan. Alam nyo bang sa kaeng-engan ko sa Bitcoins na yan ay nagsearch ako ng nagsearch. Tas unti unti ay may nalalaman na ako tungkol dyan. Tas pinag-aralan ko na sya kung papaano ako kikita ng walang ginagawa. Kung totoo bang merong kumikita dyan. Kasi kahit mayayamang tao katulad nila Bill Gates ay lokong loko diyan. Take notes ha,, hindi lang sya ang prominenteng taong nahuhumaling dyan madami pa..
     So ganun, nung una dun muna ako sa pagmimina, (meron kasing mga sites na pwede kang magkaroon ng libreng bitcoin) kaso lang natatagalan ako. Tyagaan lang talaga at saka mahabang panahon bago ka makapagmina. Mainipin pa man din ako. Nilamanan ko muna ng 300 pesos ang PHP wallet ko from my pocket. Ginamit ko syang pang loading dito sa mga kapitbhay ko, minsan naman ay sa pansarili kong load. Ok naman! natuwa ako kasi totoo syang gumagana.
     Tapos inumpisahan ko na syang i-share sa fb, may kita kasi ako once na ishinare mo ito,, referral ba. Kaya lang marami pa rin ang hindi nakakaalam nitong BITCOIN so mahirap mag-explain lalo na sa mister ko na ang hirap hirap nyang unawain ang paliwanag ko, kaya wag na lang (sarado ang isip). Marami lang din ang nag like sa post ko pero walang nag interesado. Ok lang wala sa aking problema kung nagkaganun.
     And then nilamanan ko na ang BTC wallet ko ng 5000pesos from my pocket ulit hehhehe.. Nung una 1000pesos lang muna tas nakita ko araw araw na tumataas ang 1000 ko nagiging 1,234.12 so tumubo na ako ng 234.12 sa ilang araw lang. Pero may araw naman na nababawasan sya ng konti depende kasi sa taas baba ng Bitcoin nung panahong yon. Ang 1 BTC nun ay equivalent to 48,998.33 at napag-alamanan ko na noon daw ay P3.75 pa lang ang isang bitcoin pero ngayon ay ang laki na., grabe.
     Alam nyo bang iniwan ko lang itong 5000 ko (March na that time) sa BTC wallet ko and ask me kung magkano na ang isang bitcoins ngayong oras na ito???? 113,728pesos na!! Oh my God! ang taas na.. ang 5000pesos ko naging 9,773.88 na agad sa loob lang ng dalawang buwan.. Kasi May23,2017 ngayon nang isinusulat ko ang blog kong ito.. Wow ang laki nang itinubo ng 5000pesos ko,, 4,773.88!! Tuwang tuwa ako kasi wala akong ginawa dyan nag-intay lang ako ng panahon. Hay salamat halos lalampas na rin ito sa pinuhunan kong 5000pesos ko na hindi ko makukuha ang kita na yan sa bangko in a span of 2months! Woww! Ang galing no?!
     Hay sana noon ko pa nakilala ang Bitcoins na yan,, noong maliit pa ang value nya,e di sana mas malaki pa ang kita ko dito. Yung bang.. panahon na kaya kong maglaman ng 2 hanggang 10 bitcoins.. Mas malaki ang pera ko na sana. Hundred thousand na sana. E ngayon ang laki laki na di ba.. Isang btc lang eh ang laki na ng value..
     Pero alam nyo bang may Trading yan?Yun ay para sa mga taong malakas ang loob na isugal ang pera nila at alam ang kalakaran ng pagte-trade. Ako? ayoko baka ako malugi hindi ako marunong nyan. Baka imbes ba magkapera ako baka ma-zero pa. Medyo risky kasi.
     Sa ngayon sapat na ako ng ganito,, pwede ko namang dagdagan ang puhunan ko sa wallet ko para mas mataas ang kikitain ko di ba. Ok na ako dun. Hoping ako na bago matapos ang year end madadagdagan pa ang pera ko dyan sa wallet ko hehehehe.
    Sana ay may napulot kayong konting aral mula sa akin. Yung makatulong ako sa inyo ay sapat na. Eto pala ang referral code ko sa mga nais ding magkaroon ng COIN.ph.. https://coins.ph/invite/fw94jy  pindutin mo lang yan tas sundin mo lang ang mga procedure pasok ka na.

Happy Blogging!!!
https://coins.ph/invite/fw94jy
   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento