May ikukwento lang ako sa inyo... (Exciting ba?) Maiksi lang ito para endi ka tamaring basahin itong blog ko.. Here it goes.. hehehhehe..
Ako yung tipo ng taong endi marunong magkwento ng pasulat pero pagsapadaldal magaling ako.. ganyan daw ang babae eh madaldal.. hehehhehe.. Pero gagawin ang magsulat alang-alang sa "taong" sinasabi ko kanina..
Alam mo bang nakilala ko ang "taong" ito nung panahong ako ay walang wala.. Walang makapitan.. walang malapitan.. walang nakakaintindi sa akin, walang nagmamalasakit.. Napunta talaga ako sa kawalan as in "walang wala".
Tinulungan NYa ako sa panahong ako ay nasa kagipitan.. Sapul ng nakilala ko SYA at ginawang HARI ng aking puso ay naging magaang na ang lahat.. Ang dating mabigat na problema ay nagiging madali na lang.. Oo nga't nakakaranas pa rin ako ng hirap pero nandyan SYA para pagaanin ang aking dalahin.. May kasama na ako ngayon,, dati wala.. walang gumagabay sa akin noon kaya puro mali ang tinatahak kong daan.. Mali mali ang way ko kaya ako napapahamak.. Ngayon ay dinadala NYA na ako sa tamang landas.. Masaya ako.. Masayang masaya!
Salamat dahil nakilala ko SYA bago pa mahuli ang lahat sa buhay ko ay binago na NYA ako pati na ang pamilya ko.. Unti unti NYANG inaayos ang pamumuhay namin.. Ngayon, masasabi kong mula sa walang wala ay MERON at meron na kami.. Alam kong hindi pa SYA tapos sa amin.. Marami pa SYANG gagawing mabuti bagay sa amin..
Sa pamamagitan ng blog kong ito ay gusto ko SYANG papurihan, pasalamatan sa lahat lahat.. kulang pa ang pasasalamat na ito sa lahat ng nai-contribute NYA sa buhay ko.. SYA ang dahilan kung bakit masaya ako at kontento ngayon..
Sana maramdaman nyo rin ang nararamdaman kong ito.. Kaya isine-share ko sa inyo na masarap palang kapiling ang HARI NG LAHAT walang iba kundi si JESUS.. Hindi pala sapat ang kilala mo lang SYA,, ang dapat pala ay kilalanin mo SYA sa iyong buhay at taos puso mo SYANG tanggapin sa iyong buhay.. At hayaang SYA ang maghari sa iyo..
SUBUKAN MO kaya!! Wala namang mawawala.. Pasakop ka sa Kanyang Kapangyarihan at bayaang mong si JESUS ang gumalaw sa buhay mo.. SARAP kaya ng kapiling SYA araw araw..
Gusto mo bang tanggapin si Jesus sa puso mo? Kung oo sumabay ka sa akin sa simpleng panalanging ito.. Ganito lang din naman ang ginawa ko.. simpleng simple..
DIYOS AMA SA LANGIT, lumalapit ako sa IYO nananalangin humihingi ng awa na ako'y inyong patawarin sa aking mga kasalanang nagawa mula nuong una pa hanggang ngayon. Ngunit ako ay nanampalataya na si JESUS ang nagbayad ng aking kasalanan. Tinatanggap kita JESUS bilang Panginoon ko at Tagapagligtas ng aking buhay.. Pumasok ka dito sa puso ko, Ikaw na ang maghari sa buhay ko mula ngayon.. Tulungan mo po akong mamuhay ayon sa Iyong kalooban.. Ito ang aking dalangin sa Pangalang ni JESUS .. AMEN..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento